Tungo sa Arakan…
Wednesday, August 2nd, 2006Nagising
ako sa tunog ng aking celfone. isinet ko ang alarm nito sa ikaapat na oras ng
madaling araw. Agad kong kinuha ang listahan ng mga gamit na ginawa ko bago pa
ako natulog ng gabing iyon. Sipilyo, towel, tsinelas, iilang pares ng t-shirt
at shorts, pantalon, sabong pampaligo, pangginaw, plato, baso, kutsara at
tinidor.
Nirolyo
ko ang pagkatupi ng mga damit at towel para magkasya sa bag na hiniram ko sa
isang matalik na kaibigan. Naligo, nagbihis.. pagkatapos kinuha ko yung bag ko
tsaka ako umalis papunta don sa tagpuan ng lahat ng crew.
Habang
papalapit ako, nakikita ko na yung mga magiging kasama ko sa buong panahon na
gagawin ang pelikula. Yung iba kumakain ng agahan, yung iba naman ay
nagkukwentuhan lang habang hinihintay ang hudyat para sumakay sa van na
magdadala sa amin papuntang arakan valley.
“coicoi
sa van no. 2 ka” sabi ni drei. Sa harap ng van ako sumakay kasama ng isa pang
asst. camera na si victor, habang ang iba naman ay nasa likod.
Tanghali
na nang dumating kami sa bahay na tutuluyan namin. Nanunuot ang lamig sa
katawan ko pagbaba ko ng van. Makikita mo ang hamog sa unahan. Tulong tulong
kami sa pagbaba ng lahat ng mga gamit. Bags, tripod, JIB, mga camera, at mga
iba pang kakailanganin namin. Naghanap ng kani-kaniyang pwesto para matulugan
ang lahat. yung iba nakahagilap ng matt, yung iba nagsetup ng hammock.. me
nakuntento na lang sa sahig pero me carpet naman.. at para sakin.. sa bangko na
pinagdugtong ko lang.. masubukan nga ang ganitong setup sa unang gabi.
Walang
shoot sa unang araw. kelangang maipwesto ang lahat eh. Syempre ibaba pa yung
napakagaang na Generator Set na kailangan buhatin ng walong tao mailipat lang
mula sa dump truck hanggang sa kakalagyan nito. Yung mga electrical wirings ng
bahay (pano na lang ichacharge ang mga pinakamamahal na celfones dba?), tsaka
computer.
Nakapag hapunan na lahat, at naghanda na para matulog ang iilan sa amin.Tinago ko pa nga yung mga goma na pantali ng kutsara at tinidor para di humiwalay sa lunchpack eh, souvenir kumbaga! Inihanda ko lahat ng kakailanganin ni Myk para sa unang sequence na gagawin kinabukasan. Ichinarge ang mga Batirya, isinilid sa bag ang camera at akoy pumwesto na sa aking tutulugan(tulugan nga bang maituturing ang isang silya? hehe).Magiging isang mahabang araw pa kinabukasan alam ko.. call time?? alas sais ng umaga.. whew!! magandang gabi arakan..
–
(Yung mga pics nasa account ko na sa prenster ah.. dun nyo na lang i check.. Thanks!)